Press Release by Bicol Rapido Journal Reports: KAUNAUNAHANG ADOLESCENT FRIENDLY HEALTH FACILITY SA BUONG BICOL REGION, PORMAL NG BINUKSAN SA BAYAN NG SAN FERNANDO, CAMARINES SUR.
Sa panahon natin ngayon, hindi maitatago na napakalaki na ng ipinagbago ng henerasyon ng ating lipunan ngayon. Para bang sumasabay sa patuloy na ebolosyon ng teknolohiya ang malaking pagbabago rin sa mga kabataan natin ngayon.
Kaya naman, malaki ang pasasalamat ng mga taga San Fernando, Camarines Sur, matapos na pormal na ngang buksan kaninang umaga ang ADOLESCENT FRIENDLY HEALTH FACILITY kung saan ay presente sa naging Launching ang ilang mga estudyanteng senior high mula sa ilang mga paaralan sa nasabing bayan, naroroon rin ang ilang guro, taga DOH, San Fernando PNP, San Fernando Rural Health unit, at mga LGU Officials.
Ang Adolescent Friendly Health Facility na ito sa bayan ng San Fernando ay ang kaunaunahang nabuksan sa buong bicol region.
Malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga kabataan, dahil marami sa kanila ngayon ang nangangailangang ng counseling na hindi hinuhusgahan.
Credits to Bicol Journal Reports, link: https://www.facebook.com/search/top/?q=Adolescent%20center%20san%20fernando&epa=SEARCH_BOX